Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 193 Ang Burol at Karagatan Mayro’ng Sikat Araw

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 193 Ang Burol at Karagatan Mayro’ng Sikat Araw

1
Ang burol at karangatan
Mayro’ng sikat ng araw;
At sa luntiang pastulan
Gintong sinag huminlay;
Nguni’t higit pang liwanag
sa puso ko’y lumagay;
Pagka’t ikaw, aking Jesus,
Doon ay tumatahan.

Koro:
O kaygandang sikat ng araw!
Sa puso’y kasayahan!
Ngiti ni Jesus ay tanglaw,
Pamawing kalungkutan.

2
Sa lupa’y ini iwan ko
Bihis kong kalumbayan,
Pagka’t Iyong dinaramtan
Ng puri’t kagalakan;
At sa tahanang sa akin
Ay Iyong inilaan,
Sa aking puso’t isipan,
Ikaw’y S’yang sinusundan.

3
Mahal kong Tagapagligtas,
Ako ay Iyo lamang;
Paliwanagin ang ilaw
Sa Iyong kapurihan;
At sa tahanang sa akin
Ay Iyong inilaan,
Sa aking puso’t isipan,
Ikaw’y S’yang sinusundan.

Exit mobile version