Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 191 Sa Kaibuturan ng Diwa Ko’t Isip

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 191 Sa Kaibuturan ng Diwa Ko’t Isip

1
Sa kaibuturan ng diwa ko’t isip,
Nararamdaman ko ang awit
Ng isang tinig na nagmumula sa langit
Na kapayapaang matamis.

Koro:
Oh! kapayapaang,
Buhat sa Diyos sa kalangitan!
Ang dalangin ko’y lumagi kaylanman
Sa puso ko ay tumahan.

2
Kaylaking kayamanan ang kinakamtan
Sa himalang kapayapaan,
Sa loob ng puso ko iniingatan
Upang h’wag mawala kaylanman.

3
Ang kapayapaan ni Jesus na kasi
Ay Siyang lagi kong sakbibi
Siya ang kalasag ko sa araw, gabi,
Na ginagamit kong parati.

Ang kapayapaa’y lalong malulubos
Pagdating ko sa bayan ng Diyos;
Doo’y ang awitan ng mga tinubos
Kapayapaang di masayod.

Exit mobile version