Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 190 Sa Puso Ko’y May Isang Himig

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 190 Sa Puso Ko’y May Isang Himig

1
Sa puso ko’y may isang himig,
Na isang masayang awit
Aking dinadalit-dalit,
Kapayapaan ng langit.

Koro:
Kapayapaan, na kaloob ng langit;
Kapayapaang matamis, kaloob ng pag-ibig.

2
Kapayapaa’y nakamit
Kay Cristong sa krus nagsakit
Kamatayan N’ya’y kapalit
Ng handog N’yang pag-ibig.

3
Pagnaputungan si Jesus
Kapayapaan ko’y lubos
Pagpapalang ibubuhos
Kapayapaan ng Diyos.

4
Kay Jesus ako’y tatahan
Kapayapaa’y nang kamtan
Wala ng ngang kailangan
Kundi kapayapaan.

Exit mobile version