Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 189 Kapanatagan na Mapalad

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 189 Kapanatagan na Mapalad

1
Kapanatagan na mapalad
Ang sa kay Jesus ko ay magalak
Sa dugo Niya ay nahugas
Ang kasalanan ko’t bagabag.

Koro:
Ito ay aking aawitin
Ibabalitang walang tigil;
Pangalan Niya’y pupurihin
Habang may buhay akong angkin.

2
Lubos na pagpapakumbaba
Ang hinanangad kong managana
Upang malasap ang biyaya
Ng pag-ibig Niyang sagana.

3
Ako ay Kanya’t Siya’y akin;
Paglilingkuran at hihintayin,
Nang ang buhay ko’y pagpalain
Ay ihahandog kong taimtim.

Exit mobile version