Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 188 Sa Puso Ko Ay May Awit

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 188 Sa Puso Ko Ay May Awit

1
Sa puso ko ay may awit
Totoong matamis,
Ang tanging nakaririnig,
Si Jesus na ibig.

Koro:
Kaylaki ng kagalakan
Ang sa puso ko’y tumatahan,
Kay Jesus ng pagmamahal
Ay akin araw-araw.

2
Sa puso ko’y may liwanag
Na tangi sa lahat,
Ang sa akin ay naggawad,
Si Jesus na liyag.

3
Ang puso ko’y matiwasay
Tahimik na tunay,
Pagka’t ang kapayapaan
Hindi nagkukulang.

4
Sa puso ko ay may galak
Hindi kumukupas,
Ako sa lahat ng oras
Kanyang nililingap.

Exit mobile version