Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 187 Oh Masayang Araw Ngayon
1
Oh! masayang araw ngayon
Pagpuri sa Panginoon;
Kagalaka’y isalubong
Sa lahat ng may linggatong.
Koro:
Oh! masayang araw! salako ay nahugasan!
Ako’y Kanyang tinuruang dumalangin gabi’t araw
Sa puso’y magtaglay ng tuwa’y kapayapaan!
2
Dakilang gawa’y ganap na,
Kanya ako’t akin Siya;
Samalugod N’yang anyaya
Magalak na lumapit ka.
3
Hapong puso’y magpahinga
Sa sala’y pakikibaka;
Sumanib ka sa ligaya
Kay Jesus ay makisama.
4
Panambitan na taimtim
Araw-araw S’ya ang daing;
Idudulog ang hinaing
Nang pagpapala ay kamtin.
5
Kung ang langit ay masapit,
At magwakas ang lakbayin
Kasama ng Panginoon
Sa tahanang walang maliw.