Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 185 Kung sa Buhay Mo’y Mayron Kang Ligalig

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 185 Kung sa Buhay Mo’y Mayron Kang Ligalig

1
Kung sa buhay mo’y mayron kang ligalig
Nasa iyong puso’y pumipiyapis,
Pagpapala Niyang labis at labis
Bilangin mo’t ligaya ang lalapit.

Koro:
Bilangin mo ang pagpapalang
Kaloob sa ‘yo ng Diyos Ama,
Bilangin mo ang pagpapala’t
Makikita mong mahal ka sa Kanya.

2
Mabigat bang lubha ang krus mong dala
At sa akala mo’y di mo na kaya?
Bilangin mo ang pagpapala Niya
At pilit na maliligayahan ka.

3
Sa saganang yaman ng ibang tao
Higit ang yamang pangako ni Cristo,
Ang gantimpala na laan sa iyo
Higit sa lahat ng yaman ng mundo.

4
Kaya nga’t gitna ng mga hirap
H’wag kang matakot alam ng Diyos lahat,
Ito ang lagi mong isasa hagap
At ang lungkot mo ay magsisitakas.

Exit mobile version