Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 182 Sa Kabila ng mga Kabundukan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 182 Sa Kabila ng mga Kabundukan

1
sa kabila ng mga kabundukan,
Naro’n ang ginawa ng Diyos na bayan;
Pag ang tuktok ng bundok natapakan,
Walang hanggang bayan ay matatanaw

Koro:
Nalalapit na sa ‘ting tahanan!
(Malapit na sa tahanan sa ‘ting tahanan!)
Masda’t mga bubong nagkikinangan!
Sa “pintong bukas”may kal’walhatian!
Papasok tayo ro’n di magtatagal,
Ang mga anghel ay nag-aawitan
Sa ‘ting tahanan. (O sa ating tahanan!)

2
Sa ti’y maluwat nang isinalaysay
Ang bayang mga daa’y gintong lantay;
Ngayon sa hagap ito’y matatanaw;
Kuta’y haspe’t magaganda ang bahay.

3
Mga tumutupad ng utos ng Diyos
At pananampalataya ni Jesus,
Ang sa bayang yao’y nagsisipasok;
Tayo roo’y magpupuri ngang lubos.

4
Kapatid, ako ba’y ‘yong tatagpuin
Sa bayang yaong wala nang hilahil?
Pabalita ng Diyos iyong tanggapin,
Pagdating N’ya ikaw ay tatawagin.

Exit mobile version