Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 174 Dinggin Mo ang Pahayag

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 174 Dinggin Mo ang Pahayag

1
Dinggin mo ang pahayag, Kristo’y nagliligtas;
Ang tuwa’y ilaganap, Kristo’y nagliligtas.
Ibalita sa lahat kahit magtawid dagat,
Ito’y sa atin atas, Kristo’y nagliligtas!

2
Sa gitna ng bagabag Kristo’y nagliligtas;
Sa nagkasala’y hayag Kristo’y nagliligtas;
Mag-awit kapuluan, tumugan karagatan,
Sa mundo’y kagalakan, Kristo’y nagliligtas!

3
Awitin nang malakas, Kristo’y nagliligtas;
Sa kamatayang hamak Kristo’y nagliligtas.
Saysayin nang marahan sa pusong nagdaramdam
Kahit hanggang libingan Kristo’y nagliligtas!

4
Dagli nang ilaganap Kristo’y nagliligtas;
Mga bansa’y magalak Kristo’y nagliligtas.
Ating ipagsigawan tinamong kaligtasan
Awiting may tagumpay, Kristo’y nagliligtas!

Exit mobile version