Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 173 Sa Pamamagitan ng Dugo ng Kordero ay Natubos!

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 173 Sa Pamamagitan ng Dugo ng Kordero ay Natubos!

1
Sa pamamagitan ng dugo
Ng Kordero ay natubos!
Sa walang hanggan Niyang awa,
Ako’y anak ng Diyos.

Koro:
Natubos na,
Ako ng dugo ni Jesus;
Natubos na’t Ako’y anak ng Diyos.

2
Labis ang galak ko kay Jesus
Sa ginawa N’yang pagtubos!
Alam kong ako’y sasamahan
At tatahan N’yang lubos.

3
Lagi sa aking alaala
Manunubos kong marikit;
Ang dalisay Niyang pag-ibig,
Aking inaawit-awit.

4
Talos kong aking mamamasdan
Ang Haring ang kautusan
Ay aking kinaluluguran;
Ako’y Kanyang iingatan.

5
Doon sa mal’walhating mansiyon
Putong ko ay naghihintay;
Kami ng Panginoon doon
Ay magkasamang tatahan.

Exit mobile version