Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 172 Tuloy Kong Sinasalunga

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 172 Tuloy Kong Sinasalunga

1
Tuloy kong sinasalunga
Ang daan kong papaakyat,
Hangga’t ako’y mayrong kaya’y
Sasalungahin ang landas.

Koro:
Panginoon, angatin Mo
Ang paa kong naghihirap,
Tulungan Mo nga po ako
Sa pagsalunga sa landas.

2
Ang puso ko’y walang hilig
Na lumagi sa palanas,
Ang dalangin ko at nais
Masalunga ko ang landas.

3
Pipilitin kong masapit
Ang langit na sakdal dilag,
Kaya naman nagtitiis
Na salungahin ang landas.

4
Nais kong ako’y mabuhay
Na taglay ko ang tagumpay;
Nang sa aking pagsalunga’y
Siya ang aking patnubay.

Exit mobile version