Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 170 Sa Paglalakbay Ko Isang Araw
1
Sa paglalakbay ko isang araw,
Ako ay may nakasabay,
Yuko na sa mabigat na pasan:
Yao’y krus ng kasalanan!
Koro:
“Pasanin mo ang iyong krus.”
Ang samo’t payo ni Jesus,
Paanong hindi ako susunod
Nauna si Jesus.
2
“Jesus,”ang tawag ko at sumagot,
Ang palad ay durug-durog,
Bakas ng h’yang aking isinabog
Isa-isang pinupulot.
3
“Ako na,”wika ko, “ang papasan,”
At ang krus ko nga’y lumitaw,
Yaong krus na laon nang nilisan
At aking kinatakutan.
4
Sariling krus, aking papasanin
Lakad ay matatapos din,
Ang luha ko’y Kanyang papahiran,
At sa Kanya’y mapipiling.