Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 166 Lalapit Ako sa Krus

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 166 Lalapit Ako sa Krus

1
Lalapit ako sa krus
Mahina ma’t balakyot
Aariin kong lapok
Lahat, liban kay Jesus.

Koro:
Ako’y nagtitiwala
Sa Korderong dakila
At nagpapakumbaba
Sa kay Jesus kong mutya.

2
Laon nang naghihirap
Dahil sa salang kagyat
Jesus ko ay mahabag
Lahat ay ipatawad.

3
Ibibigay kong lahat
Ang katawan ko’t pilak
Pati kalul’wang ingat
Ihahandog kong wagas.

4
Ang dugo Mong nabuhos
Sa akin ay tumubos;
Ngayon, akong alabok
Lumalapit na sa krus.

Exit mobile version