Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 164 Nasa Kong Maging Iyong Tunay
1
Nasa kong maging iyong tunay,
Ako ay turuang
Maganap ang ‘Yong kalooban;
Ako’y tulungan!
Koro:
Ako’y Iyong lubos,
Panata kong mataos,
Mula ngayo’y handog
Buo kong paglilingkod.
2
Ang ginto pama’t kalayawa’y
Walang kabuluhan;
Ikaw ang aangkining yaman
Hanggang may buhay.
3
Kumukupas na kagalakan
Ay aking iiwan,
Sa Iyo ko nasumpungan
Ang kasiyahan.