Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 163 Ang Lahat sa ‘Ki’y Kunin Na
1
Ang lahat sa ‘ki’y kunin na
Si Jesus ang itira
Sa pag-ibig N’ya’y aasa
Na hindi mag-iiba.
Koro:
Ang luwang, lalim, at taas
Ng pag-ibig N’yang wagas,
Ay walang makakasukat
Pagka’t sa langit buhat.
2
Lahat na, sa aki’y kunin
Kay Jesus lang ipiling,
Anumang hirap ang datnin
Masayang aawit din.
3
Kunin ang lahat ng bagay
Si Jesus lang ang iwan,
Kung S’ya’y kasama sa buhay
Sa daan ko’y may ilaw.
4
Lahat ay iiwang lubos
Kasama lang si Jesus,
Mukha N’ya’y mapapanood
Kung ang lahat matapos.