Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 160 Nais Ko, Poong Jesus, Maging Ganap

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 160 Nais Ko, Poong Jesus, Maging Ganap

1
Nais ko, Poong Jesus, maging ganap
Kaluluwa ko’y tahanang masikap,
Iwalat ang lahat ng pampahirap;
Paputiin akong parang busilak.

Koro:
Poong Jesus, ako’y iligtas
At pagmanahin ng buhay at galak!

2
Magmula sa mga langit, tunghayan
Sa ganap na hain ako’y tulungan,
Ang aking sarili’y inilalagak
Paputiin akong parang busilak.
3
Poong Jesus, aking indinaraing
At ako’y nag-aantay pagpalain,
Tawag ko’y pakinggan at bigyang lingap;
Paputiin akong parang busilak.

4
Sa pananampalataya’y nakita
Dugo Mong bumukal dahil sa sala,
Kaya’t bagong puso ang aking hangad;
Paputiin akong parang busilak.

Exit mobile version