Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 159 Anong Tamis ng Magtapat
1
Anong tamis ng magtapat
Kay Jesus hanggang wakas!
Salita Niya ay sapat
Sa iyo na magligtas!
Koro:
Jesus! Jesus! oh, kay sarap
Ang sa Iyo’y magtapat!
Di magsasawang maglagak
Ng lihim ko ma’t hayag!
2
Oh! kay tamis ng magtapat
Kay Jesus na nagligtas,
Sa Kanyang dugong dumanak
Sala ko ay nahugas!
3
Kung magtapat ako’t iwan
Ang mga kasalanan,
Kay Kristo’y tatanggap naman
Ng t’wa’t kapayapaan!
4
Jesus, ako’y nagagalak
Na sa Iyo’y magtapat,
Sa lahat nawa ng oras
Ikaw’y laging kaharap!