Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 158 Buhay Mo’y Isaakin

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 158 Buhay Mo’y Isaakin

1
Buhay Mo’y isaakin, Hanggang wakas Jesus!
Maging katugunan Ka Sa tanong kong lubos;
Buhay Mo’y isaakin, Loob Mo ay sundin!
Sana’y matanghal sa ‘kin L’walhati Mong angkin.
Ang Pakikiharap Mo, Ngayo’y isilahis,

2
Ang templo’y isinuko, Sa sala’y nilinis;
Ang Pakikiharap Mo, gayo’y isilahis,
At mula sana ngayon Itong kapulungan
Ay maging alipin Mo, Na sunud-sunuran.

3
Mga kaanib nito Sa Iyo’y pasakop,
Na sila’y nahahandang Sa Iyo’y maglingkod;
Nananatili nang di Naliligaligan,
Ni di nayayamot o Nanghihinayang man.

4
Nguni’t sa kalayaan Ng katahimikan,
Ang pas’ya Mo’y hintay ko, Kung ako’y kailangan.
Buhay Mo’y isa-akin, Hanggang wakas Jesus!
Maging katugunan Ka Sa tanong kong lubos.

Exit mobile version