Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 157 Jesus, Pag-ibig Mong Sa ‘Ki’y Bigay

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 157 Jesus, Pag-ibig Mong Sa ‘Ki’y Bigay

1
Jesus! pag-ibig Mong sa ‘ki’y bigay
Di dapat ilingid sa ‘Yong tunay;
Sa Iyong pag-ibig ay yuyukod ako,
Ngayo’y dadalhin ko handog sa ‘Yo.

2
Sa ‘Yong pamamanhik para sa ‘kin,
Sa Iyo, O Jesus, tumitingin;
Tulungan mo akong ang krus madala ko,
At maitanyag ko, pag-ibig Mo.

3
Isang pusong tapat ako’y bigyan,
Nang sa bawa’t araw ay mamasdan
Ang gawang pag-ibig na nasimulan ko
At may nahikayat para sa ‘Yo.

4
Lahat ng nasa ‘ki’y kaloob Mo,
Sa tuwa’t sa paghati’y para sa ‘Yo!
At pag ang mukha Mo ay aking namasdan,
Ako’y mapapasa walang hanggan.

Exit mobile version