Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 156 Jesus, Nangako Ako

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 156 Jesus, Nangako Ako

1
Jesus, nangako akong maglingkod sa Iyo
At ang tanging hiling ko ako’y tulungan Mo;
Dumating kahit anong sari-saring tukso
Ako’y di maaano ako’y mananalo!

2
Kasamaa’y malimit sa ‘ki’y lumalapit,
Ako ay kinakabig, Dinadayang pilit,
Ako’y walang panganib anumang sumapit,
Sa tulong ng ‘Yong bisig ako’y mananaig!

3
Jesus, may pangako Kang sa ami’y sasama,
Kami’y di nag-iisa hin di nangangamba;
Kaya nga’t nananatang hanggang may hininga
Kami ay tatalaga sa lahat Mong pita.

Exit mobile version