Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 155 Galak Akong Titindig sa Paanan ng Krus

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 155 Galak Akong Titindig sa Paanan ng Krus

1
Galak akong titindig sa paanan ng krus,
Anino ng isang batong matibay na lubos;
Yaon ay isang tahanan sa gitna ng ilang,
Pahingahan at kanlungan sa tabi ng daan.

2
Doon sa krus ni Jesus aking namamalas
Siya na dahil sa aki’y namatay, naghirap;
Sa puso kong nasumbatan aking nadarama:
Di karapat-dapat ako sa pag-ibig Niya.

3
Papasanin ko, Oh krus, ang iyong anino;
Liwanag ng Kanyang mukha ay s’yang ligaya ko;
Tanging ikinahihiya ng sariling aba,
Ay ang buhay kong sa sala’y lubhang nariwara.

Exit mobile version