Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 152 Jesus, Mahal Kita

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 152 Jesus, Mahal Kita

1
Jesus, mahal Kita, Ikaw ay akin;
Dahil sa ‘Yo ang sala’y itatakwil;
Manunubos ko’t Tagapagligtas Ka;
Jesus, kung iibigin Ka’y ngayon na.

2
Mahal Ka pagka’t una Kang umibig,
At patawad sa ‘kin di ikinait;
Dahil sa koronang tinik, mahal Ka;
Jesus, kung iibigin Ka’y ngayon na.

3
Iibigin Ka hanggang kamatayan,
Habang may hininga’y papupurihan;
At pag nag-agaw-buhay ibabadya,
Jesus, kung iibigin Ka’y ngayon na.

4
Sa maluwalhating tahana’t galak,
Sasambahin Kita hanggang sa wakas;
Aawit akong taglay ang korona,
Jesus, kung iibigin Ka’y ngayon na.

Exit mobile version