Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 15 Kayong Malilinis, Matuwa at Umawit
1
Kayong malilinis, matuwa at umawit;
Krus ni Kristo’y iwagayway sa rurok ng langit.
Koro:
Matuwa, Matuwa, Matuwa at umawit.
2
Bata’t matatanda, lalaki’t babae;
Ilakas ang pagbubunyi, sa Diyos na papuri.
3
Kasama ng mga anghel, mga banal,
Inyong ilakas ang awit ng kaligayahan.
4
Kayo’y umawit din sa landas ng buhay;
Sa tuwa’t kapighatian, sa gabi at araw.
5
Patuloy nga kayong matuwa at umawit;
Krus ni Kristo’y iwagayway sa rurok ng langit.