Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 149 Sa Bawa’t Bugso ng Bagyo

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 149 Sa Bawa’t Bugso ng Bagyo

1
Sa bawa’t bugso ng bagyo’t
Dugsa ng mga dalita
May panatag na saklolong
Buhat sa trono ng awa.

2
Mayrong mapalad na lugar
Na maganda’t mapayapa,
Bukal ng kapanatagan,
Ito ang trono ng awa.

3
Saan hihingi ng tulong
Kung tinutukso’t mahina.
At sala’y pulu-pulutong?
Doon sa trono ng awa.

Exit mobile version