Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 147 Sa Batong Buhay na si Jesus

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 147 Sa Batong Buhay na si Jesus

1
Sa Batong buhay na si Jesus,
Ay magtatayo nga tayo;
Kaya tayo ay mapanatag,
Pag nagngalit ang bagyo.

Koro:
Sa Batong buhay, sa Batong buhay,
Magtayo tayo; magtayo tayo,
Sa Batong buhay, magtayo tayo;
Sa Batong buhay, magtayo tayo,
Sa Batong si Kristo.

2
May nagtatayo sa buhanginan,
Yaman ang s’yang tinitingnan;
May nagtatayo sa kasalanan,
Sa mundong kalayawan.

3
Kayo’y magtayo sa Batong buhay,
Saligang tunay, matibay;
Pag-asa nito’y tumatagal,
Pag-asang kaligtasan.

Exit mobile version