Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 145 Ang Panginoon ay Aking Ilaw

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 145 Ang Panginoon ay Aking Ilaw

1
Ang Panginoon ay aking ilaw,
Pakikisama N’ya’y gabi’t araw;
Sa lungkot at sa sala S’ya’y kaligtasan;
Ano nga ang aking katatakutan?

Koro:
Ang Panginoon ay aking ilaw,
Awit ko Siya at kagalakan;
Ang Panginoon ay aking ilaw,
T’wina ako’y pinapatnubayan.

2
Ang Panginoon ay aking ilaw,
Mga alapaap lumanbong man,
Sa langit ako lagi nang tatanaw,
Na do’n naghahari S’yang walang hanggan

3
Ang Panginoon lakas ko’t ilaw,
Sa Kanya ako’y magtatagumpay;
Kahinaan ko’y Kanyang tinatakpan,
At sa paglakad inaalalayan.

4
Ang Panginoon ay akig ilaw,
s’ya ang lahat-lahat sa ‘king buhay,
Sa Kanya ay wala ngang kadiliman;
S’ya ang Manunubos ko’t Haring tunay.

Exit mobile version