Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 143 Sa Panahong S’ya’y Kailangan
1
Sa panahong S’ya’y kailangan,
Kapag takot at alinlangan,
Malapit si Jesus kong mahal,
Ako’y di iiwan.
Koro:
Sa panahong Siya’y
Aking kailangan;
Ako’y bibigyang kaaliwan
Pag S’ya’y kailangan.
2
Sa panahong S’ya’y kailangan,
Si Jesus ay tapat at tunay,
Nagdudulot ng kasiyahan,
Ako’y di iiwan.
3
Sa panahong S’ya’y kailangan,
Malakas si Jesus kong mahal,
Dalahin ko ay pinapasan,
Ako’y di iiwan.
4
Sa panahong S’ya’y kailangan,
S’ya ang lahat sa aking buhay,
Tumutugon pag tinawagan;
Ako’y di iiwan.