Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 141 Sa Ilalim ng Kanyang mga Pakpak
1
Sa ilalim ng Kanyang mga pakpak
Ako’y lalagay kung may bagabag,
Siya ang sa akin ay magliligtas,
Maglalayo sa dalita’t hirap.
Koro:
Sa lilim ng Kanyang pakpak
Ligtas ako’t panatag,
Ang puso N’yang puspos ng habag
Sa aki’y mag-iingat.
2
Nasa lilim ng Kanyang mga pakpak
Ang sa lumbay mabisang panlunas,
Kung sa akin ay wala nang lilingap
Doon ako’y magtatamong habag.
3
Sa ilalim ng Kanyang mga pakpak
Ay mangungubli ako sa hirap,
Kung ako’y naroroon ako’y ligtas
Sa hilahil na anong sasaklap!