Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 140 Muog Kang Mataas
1
Muog kang mataas na kanlungan ko,
Sa pakikilaban at kalumbayan;
Pagod ma’t salarin ay sa-sa Iyo,
Mapalad na batong aking kanlungan.
Koro:
Ikaw ang aking kanlungan,
Mapalad na batong aking taguan!
2
Sa panahong ang tukso’y nagpipilit,
At sa panahon ng kapighatian,
Sa panahong ang dapat ay ligalig,
Mapalad Kang batong aking kanlungan.
3
Madalas na kung ako’y nagigipit
At kung ang pagsubok di na matiis,
Ng kaaway ko sa pakikilaban,
Takbo ko’y sa batong aking kanlungan..