Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 137 Akong Namatay na Kasama Niya

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 137 Akong Namatay na Kasama Niya

1
Akong namatay na kasama N’ya
Nabubuhay ngayon ang pag-asa;
L’walhati ay hinihintay t’wina
Pagka’t ako ay sumasa Kanya.

Koro:
Sa t’wi-t’wina, ako’y iniibig,
Sa t’wi-t’wina’y may buhay sa langit;
Hintay si Jesus hanggang mamasid
Kalwalhatiang tinatangkilik.

2
Sa bawa’t hirap Siya’y kasama,
Nakikiramay sa bawa’t dusa,
Sa bawa’t lungkot kabahagi S’ya
Ng sa t’wi-t’wina’y sumasa Kanya.

3
Walang damndamin, walang himutok,
Walang pag-luhang di Niya sayod;
Kung nasa panganib, kinukupkop
Ng sa t’wi-t’wina’y napapasakop.

4
Bawa’t kahinaan at damdamin,
Bawa’t sakit ay mapagagaling
Niyang sa t’wi-t’wina ay kapiling
Ng sa t’wi-t’wina ay matapatin.

Exit mobile version