Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 136 Lakad Sa Liwanag ng Salita ng Diyos

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 136 Lakad Sa Liwanag ng Salita ng Diyos

1
Lakad sa liwanag ng salita ng Diyos,
Nang ang pala ay kamting lubos;
Kung lalakad tayong ganap sa pag-sunod
Tatahan sa atin si Jesus.

Koro:
Magtapat ka, pagka’t walang iba
Na daan sa ligaya kundi pagtalima.

2
Walang hirap, lungkot, dalamhati’t lumbay,
Kung tatalima’t di susuway;
Ang dilim na sapot sa iyo’y wawalay
Kung susundin S’ya nang lubusan.

3
Ang Kanyang pag-ibig di masusukatan,
Balong ng awa’y laging laan;
Ang bawa’t maibig ay iyong kakamtan
Kung tapat na susunod lamang.

4
Kung ganap at wagas ang pagtatalaga
Mga puso natin sa Kanya,
Ating malalasap ang pag-ibig Niya
Sa tapat ay ipamana.

Exit mobile version