Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 134 Matibay na Kuta

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 134 Matibay na Kuta

1
Matibay na kuta ang Diyos,
Moog natin kailanman;
Sa dagsa ng hirap, lunos,
S’ya’y katulong na laan.
Pagka’t ang kaaway
Na pumipighati,
Sa kapangyariha’t
Lupit na masidhi,
Diyos ang makagagapi.

2
Kung sa ‘ting lakas nang hawak,
At di sa tao ng Diyos;
Ang ating pagsusumikap,
Bigo na sanang lubos.
Inyong itatanong,
Sinong tao Siya?
S’ya is Jesu-kristong
Hindi nag-iiba,
At magwawagi t’wina.

3
Binabagabag man tayo
Ng sanlibutang banday,
Na puno ng mga d’yablo,
Tayo’y magtatagumpay.
Hindi mangangamba
Sa haring dilim;
Ating mababata
Dulot niyang lagim,
Pagka’t s’ya’y lilipulin.

4
Salitang higit sa lahat,
Di pinasalamatan;
Espiritu’t mga kalo’b,
Sa Kanya’y kinakamtan.
Ang tinatangkilik
At buhay na ito,
Mapapawi nila,
Diyos ang saklolo,
At S’ya ang mananalo.

Exit mobile version