Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 130 Ako’y Pinangungunahan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 130 Ako’y Pinangungunahan

1
Ako’y pinangungunahan
Ni Jesus ko sa daan;
Wala akong alinlangan
Sa habag n’yat patnubay;
Masarap ang kabuhayan
Nang sa Kanya’y manahan
Pagka’t bawa’t karanasa’y
Pawang ikatitibay.
Pagka’t bawa’t karanasa’y
Pawang ikatitibay.

2
Ako’y Kanyang inaakay
Inaaliw sa daan,
Sa pagsubok binibigyan
Ng tinapay ng buhay.
Na talagang kailangan
Nang h’wag akong magkulang;
At tuwina’y makaasang
S’ya’y aking kagalakan.
At tuwina’y maka-asang
S’ya’y aking kagalakan.

3
Ako’y pinapatnubayan
Ng pag-ibig n’yang sakdal;
Sadyang pinangangakuan
Sa langit ng tahanan;
Pag ako ay nabihisan
Ng walang hanggang buhay;
Aawiting walang hanggan
Si Jesus ang umakay.
Aawiting walang hanggan
Si Jesus ang umakay.

Exit mobile version