Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 13 Kagalaka’y Kabanalan
1
Kagalaka’y kabanalan
Ang sa puso’y siyang sigaw,
Nguni’t sinong may awitan
Ng sa kay Kristong pagmamahal.
Koro:
Oh! Pag-ibig na dakila!
Napakamahiwaga!
Oh! Pag-ibig na dakila!
Ni Jesus na lumikha!
2
Sa araw ay kagalaka’t
Sa gabi’y katahimikan,
Sa bagyo ma’t kadiliman
Ay panlunas ka ngang mainam!
3
Ako’y kusang may pag-asa’t
Pagtitiwala t’wi-t’wina
Na pagtawag ng may sala’y
Patatawarin Mong talaga!