Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 129 Pakinggan Mo

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 129 Pakinggan Mo

1
Pakinggan mo ang aking pagtawag
O Manunubos ko
Ang kaluluwa kong naghihirap
Ay sakloloha Mo!

Koro:
Sa malayong bundok ay naligaw
Napalayo akong tunay
Lingapin Mo ako at lukuban
Nga ‘Yong pagmamahal.

2
Dumarating ang malaking dilim
Ako’y masusukol,
Ang tingin Mo’y sapat na sa aking
Makapagtatanggol!

3
Mahirap ang aking mga daan
Ang paako’y pagod,
Ikaw lamang ang inaasahang
Sa ‘ki’y papatnugot!

4
Ang lungoy ng nagsisising tapat
Di Mo itatakwil,
Sa daing ko Ikaw ay mahabag
At ako’y tanggapin!

Exit mobile version