Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 124 Kung sa Sala Mong Pasa’y Hapo Na

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 124 Kung sa Sala Mong Pasa’y Hapo Na

1
Kung sa sala mong pasa’y hapo na,
Siya sa puso’y tanggapin;
Kung nais mong magbagong buhay ka
Si Jesus ay papasukin.

Koro:
Ngayon di’y magpasiya
Huwag mo nang itakwil,
Pinto’y buksan sa Kanya
At Siya’y iyong tanggapin.

2
Kung sa kadalisayan ang pakay
Sa puso Siya’y tanggapin;
Panlinis na tubig ang kaakbay
Kaya’t dagling papasukin.

3
Kung may tukso na gumagambala
Sa puso’y tanggap si Jesus;
Lahat na kailangan ay handa
Sumunod lamang na lubos.

4
Kung walang kaibigang magtapat,
Kay Jesus ka nga umasa;
Ang pag-ibig sa iyo ay sapat
Mabigyang kasiyahan ka.

Exit mobile version