Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 121 Ang sa Amang Tinig ay Kaytamis
1
Ang sa Amang tinig ay kay tamis
Nang ako’y tawagan N’ya,
“Halika sa kabila nitong guhit,
At hinihintay kita.”
Koro:
“Halika na”,matamis na awit;
Mga anghel ang nagsisihimig;
Ako ay bakit di lalapit
Kay Jesus na aking ibig?
2
“Ngunit mga sala ko’y marami”
Tugon N’ya’y agad nagbalik,
“Di dapat magtiwala sa sarili;
Humakbang ka sa guhit.”
3
“Ngunit laman ko’y napakahina,
At ang daa’y di makita;
Ako’y nangangambang mabibigo nga,
At malapastangan Ka.”
4
Hindi na ako makauurong,
Dapat akong magpatuloy;
Hahawak na ako sa Panginoon,
Sa Kanya’y paaampon.