Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 12 Umawit sa Kagalakan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 12 Umawit sa Kagalakan

1
Umawit sa kagalakan; magdiwang sa awitan;
Pawiin ang kalungkutan, pagpupuri’y isigaw.
Ibunyi S’yang sa ati’y naglapit sa kaibigan,
At S’yang naghatid sa atin kay Jesus na paanan.

Koro:
Awitin, awitin ang awit ng katuwaan,
Awitin ang awit nitong Pagdiriwang.

2
Ating batiing may awitan araw ng pagdiriwang;
Ang masasayang hosana’y ating ipagsigawan.
Kal’walhatian ni Jesus ating pagpupurihan,
“Ang matandang salaysayin”ay ating isaysay.

3
Salamat sa ‘Yo, Amang banal, sa mga kahabagan;
Ang lahat nawa ng narito, Ikaw’y pasalamatan.
Salamat sa’Yo, O Jesus, sa dugong katubusan.
O Banal na Espiritu, kami’y Iyong hingahan.

Exit mobile version