Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 117 Magiliw na si Jesus Tumatawag

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 117 Magiliw na si Jesus Tumatawag

1
Magiliw na si Jesus tumatawag
Sa iyo at sa aking;
sa pinto’y naghihintay S’yang may habag
sa iyo at sa akin.

Koro:
Hayo na’t umuwi,
Napapagal, umuwi;
Magiliw na si Jesus tumatawag
sa nagkasalang lahat.

2
Bakit tayo’y magpapaumatumat
Sa Kanyang panawagan?
Bakit hindi dinggin nag pakiusap
Ng kanyang kaawaan?

3
Ang panaho’t sandali’y nagdaraan
sa iyo at sa akin;
Dumarating gabi ng kamatayan
Sa iyo at sa akin.

4
Isiping ang pangako N’yang paggiliw
sa iyo at sa akin;
Awa’t patawad N’ya’y di nagmamaliw
Sa iyo at sa akin.

Exit mobile version