Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 11 Ito’y Sanlibutan ng Ama
1
Ito’y sanlibutan ng Ama kong mahal,
Ang buong katalagahan ay nag-aawitan.
Mga punong-kahoy, langit, karagatan,
Pati malalaking bato’y gawa ng Kanyang kamay.
2
Ito’y sanlibutan ng Ama kong mahal,
Ibon, liryo at liwanag, Diyos ang itinatanghal.
Sa mga damuhan siya’y nagdaraan,
Siya’y nakikipag-usap sa akin saan man.
3
Ito’y sanlibutan ng Ama kong mahal,
Ang masama’y malakas man, Diyos ang haring tunay.
Bakit itong puso ko ay malulumbay?
Panginoo’y nagpupuno; matuwa sang kalupaan.