Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 101 O Salita ng Diyos na Nahayag

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 101 O Salita ng Diyos na Nahayag

1
O Salita ng Diyos na nahayag sa laman,
O hindi nagbabago na Katotohanan,
Karunungan at ilaw ng sangkalangitan,
Na lumiliwanag sa ating mga hakbang.

2
Ang banal na kaloob iglesya’y tumanggap,
At ang ilaw nito sa lupa’y liliwanag.
Ito ay gintong kabang nakalama’y hiyas;
Ito ay larawan ni Jesuskristong liyag.

3
Wumawagayway itong gaya ng watawat,
Na sa harap ng hukbo ng Diyos nakaladlad;
Gaya nito’y parola na lumiliwanag;
Sa dagat nitong buhay ito’y mapa’t kompas,

4
Jesus, ang ‘yong iglesya’y gawing gintong ilaw,
Upang sa mga bansa liwanag mataglay
O iyong turuan ang iyong manlalakbay,
Hanggang dilim mapawi’t makita kang tunay.

Exit mobile version